Tuesday, July 18, 2017

Kasong Rape ni Noven Belleza ginawang sexual assault

Kasong Rape ni Noven Belleza ginawang sexual assault


Nakauwi na ang Tawag ng Tanghalan Grand Champion Noven Belleza matapos ang 3 gabi nito sa kustodiya ng mga pulis. Mula sa kasong rape ay ibinaba ito ng Cebu City Prosecutor’s Office sa kasong sexual assault.

Sa kasong sexual assault maaring magpiyansa ang nasasakdal. Si Cebu City Assistant Prosecutor Ma. Theresa Casiño ang nagdesisyon na sexual assault ang nararapat na isampa kay Noven base sa mga ebidensiya na inilatag sa kanya. Nasa halagang P120000 ang piyansa.

Ayon sa abogado ni Belleza na si na si Leilani Villarino, ang rape complaint ay maaari lamang gamitin kung ipinasok ang ari ng lalaki sa babae ng sapilitan.

Sasagutin daw nila sa korte ang mga paratang sa kanyang kliyente. Ang importante raw ay makapiyansa si Belleza. Ang korte na daw ang bahalang humatol kung guilty ba ito o inosente.

Si Belleza ay isang magsasaka mula sa Negros Occidental. Naging Grand Champion ito sa Tawag ng Tanghalan na singing contest ng It's Showtime.





Noong Sabado, kasama si Belleza bilang guest performer sa concert ni Vice Ganda na "Pusuan Mo si Vice Ganda" na ginanap sa IEC Pavilion in Barangay Mabolo, Cebu City.

Bandang alas 11 ng gabi, matapos ang concert ay inaresto ang 22 anyos na singer dahil sa reklamo ng isang 19 anyos na babae na kapwa niya contestant sa Tanghalan.

Minolestiya diumano ni Belleza ang babae bandang 2:00 pm noong sabado July 15 sa isang condominium sa Barangay Lahug kung saan naka-book ang singer.

Sinabi ng babae na ipinasok ni Belleza ang daliri nito sa kanyang ari.

Matapos ang 14 hours mula sa pagkakaaresto ay nagreklamo si Belleza ng pananakit ng dibdib kaya siya dinala sa isang hospital sa Banilad Cebu City sa ilalim ng superbisyon ng mga otoridad.

Base sa imbestigasyon, magkakilala si Belleza at ang biktima at sila ay magtext-mates pa.




Saturday, July 1, 2017

Bangkay ng Isang Babae Natagpuang Palutang Lutang sa Tabuelan, Cebu

Nakita ng isang mangingisda ang bangkay ng babae na palutang-lutang sa tubig, sa Barangay Maravilla, Tabuelan Cebu, bandang 1:30 Sabado ng hapon July 1.

Dinala kaagad ng mangingisda ang bangkay sa Escalante City Negros Occidental kinahapunan.

Ayon sa imbestigasyon, ang naagnas na hubad na katawan ng bangkay ay nakabalot sa isang fishing net.

Inaalam pa ng mga kapulisan sa Central Visayas kung ang bangkay ay si Bien Unido Mayor Gisela Boniel, na pinaniniwalaang kinidnap at pinatay ng sarili nitong asawa na si Bohol Provincial Board Member Niño Rey Boniel.

Inamin ng pinsang-buo ni Niño Rey na si Etad Boniel noong June 8, na binaril at napatay ang mayor ng kanyang asawa.

Sinabi ni Etad na binalot ng fishing net ang katawan ni Gisela at nilagyan ng 2 bato na may bigat na 30 kilos bago itinapon sa dagat ng Caubian Island Lapu-Lapu City.